Gloc-9 feat. Cathy Go – Inday Lyrics

Here's “INDAY” LYRICS performed by GLOC-9 FEAT. CATHY GO.

[Cathy Go:]
Oh inday! Oh inday!
Oh inday! Inday ng buhay ko…
Oh inday! Oh inday!
Inday ng buhay ko…

[Chorus: Cathy Go]
Kakatapos ko lang ng high school sa probinsya
Kapos lang sa kaunlaran kaya’y walang makita
Makuhang trabaho sa aming lugar, ano ba ang gagawin ko?
Bumyahe nalang sa malayong lugar, lahat ay titiisin ko

Kakatapos ko lang ng high school sa probinsya
Gusto ko sanang maging doktor ng medisina
Ngunit si itay ay magsasaka lang ang kapatid ko ay pito
Mahainan lang ang hapagkainan ang trabaho ko ay ito…

[Verse: Gloc-9]
Pantalon na maong, labhan mo ng pakamay
Ang aking tira-tira’y takpan mo
Pagtapos kanang kumain ang sahig punasan mo
Mula baba hanggang taas lampasuhin hagdanan ko
Dapat walang alikabok nikatiting sa mga muebles
Ayokong inuulit ng higit sa isang beses
Sa lahat ng utos ko, walang tanong kang susunod
Pagkausap mo ako, kulang nalang ay lumuhod
Bilisan mo maglakad, sige! Buhatin mo lahat
Wala akong pakialam kahit na ubod ng bigat
Kapag tinawag sa gabi dapat tulog ka ng dilat
At handa kang maglinis kapag ako ang nagkalat
Kahit gaano kadumi, ang mabaho’y amuyin
Tuwing ako’y malalasing lahat ng gusto ko’y sundin
Kung ayaw mong sayo ay mayroong mangyaring masama
“Oo” ang isasagot sa gusto kong ipagawa
O sa gusto kong gawin at sa gusto kong makita
Paulit-ulit hanggang sa hindi ka nagkabisita
Makakaalis kana, di na kita kailangan
Bago tumawag ng pulis dahil ako’y ‘yong ninakawan

[Chorus: Cathy Go]
Kakatapos ko lang ng high school sa probinsya
Kapos lang sa kaunlaran kaya’y walang makita
Makuhang trabaho sa aming lugar, ano ba ang gagawin ko?
Bumyahe nalang sa malayong lugar, lahat ay titiisin ko

Kakatapos ko lang ng high school sa probinsya
Gusto ko sanang maging doktor ng medisina
Ngunit si itay ay magsasaka lang ang kapatid ko ay pito
Mahainan lang ang hapagkainan ang trabaho ko ay ito…

Inday! Oh inday!
Oh inday! Inday ng buhay ko…
Oh inday! Oh inday!
On inday ng buhay ko…

This image may be subject to copyright.
Gloc-9 feat. Cathy Go - Inday

Older Post