Emmanuelle – Sandali Lang Lyrics



Here's “SANDALI LANG” LYRICS performed by EMMANUELLE.


Sandali lang
Umaasa na kahit sandali lang
Ika’y malapitan
At naghihintay na ika’y masilayan

Kay tagal ko nang tinatago
Ang pag-ibig na namumuo
Ang nag-iisang pangarap ko
Sa sandaling ito
Makilala mo ako
Sandali lang
O kahit sandali lang

Kung sakali man
Na ako’y pagbigyan
Aking iiwanan
Naipong mga liham
Napupuno ng kulay
Mula sa puso kong tunay

Kay tagal ko nang tinatago
Ang pag-ibig na namumuo
Ang nag-iisang pangarap ko
Sa sandaling ito
Makilala mo ako
Sandali lang (sandali lang)
Kahit sandali lang

Ang dali namang ibigin ka
Tila tubig sa labing uhaw
Tangi lang dalangin ko
Makamit at madama ang pag-ibig mo

Sandali lang
Ooh kahit sandali lang
Sandali lang (Naghihintay na masilayan ka)
Na ikaw ay masilayan
kahit sandali lang (Dalangin ko na ika’y maramdaman)
Na maunawaan (Ang pag-ibig na aking inaasam)
Ang hinihiling sa iyo, sandali lang

Older Post