Jessa Zaragoza – Nasaan



Lyrics of “NASAAN” by Jessa Zaragoza

'Di naman nagbabago itong damdamin ko
Magmula nang sa akin ay sabihin mong minamahal

Bakit ngayo'y nag-iiba, hindi ko na nadarama
ang pag-ibig mong dati'y walang kasingganda

Bakit kaya kailangan na ito'y mangyari pa
at sasaktan mo ang puso ko't ngayo'y mag-iisa

Nasaan na ang iyong pag-ibig
na dati'y hanggang langit
nangako na 'di ako ipagpapalit

Mayroon pa ba na pagkukulang
bakit 'di ko nalaman
sana'y nasabi mo kung ako ay iyong iiwan

Akala ko'y walang-hanggan, inalay mong pagmamahal
at sa habang-buhay ay laging makakapiling ka
At 'di naisip na ika'y maghahanap pa ng iba
at tuluyan na sa akin ay mawawala pa

Bakit kaya kailangan na ito'y mangyari pa
at sasaktan mo ang puso ko't ngayo'y mag-iisa

Nasaan na ang iyong pag-ibig
na dati'y hanggang langit
nangako na 'di ako ipagpapalit

Mayroon pa ba na pagkukulang
bakit 'di ko nalaman
sana'y nasabi mo kung ako ay iyong iiwan

Bakit kung kailan ka nagmahal nang tunay
ay 'saka ito mawawala...

Nasaan na ang iyong pag-ibig
na dati'y hanggang langit
nangako na 'di ako ipagpapalit

Mayroon pa ba na pagkukulang
bakit 'di ko nalaman
sana'y nasabi mo kung ako ay iyong iiwan

This image may be subject to copyright.
Jessa Zaragoza - Nasaan Lyrics

Got Something to Add?
0 comments: Post a Comment

Older Post