Karylle, Christian – (Rama Hari) Magbalik Ka Na Mahal Lyrics



KARYLLE & CHRISTIAN LYRICS

"Magbalik Ka Na Mahal"
(Rama Hari Soundtrack)


Bawat patak man ng ulang masinsin
Ay lagyan ng talim
Ako ay sasayi
'Di ko iindahin
Ang ulos at hiwa
Ng mumunting patalim

Ang iyong kalinga ay kanlungang matibay
Lilim nito ay langit na aking tanggulan
'Pag ito'y natiklop, lalantahin ng araw
Lulunurin ng unos
Ang marupok kong buhay

Aking hihintayin ang iyong pasabing
Magbalik ka na mahal.

(Bridge)

Ang iyong kalinga ay kanlungang matibay
Lilim nito ay langit na aking tanggulan
'Pag ito'y natiklop, lalantahin ng araw
Lulunurin ng unos
Ang marupok kong buhay


Aking hihintayin ang iyong pasabing
Magbalik ka na mahal.

This image may be subject to copyright.
Karylle, Christian – (Rama Hari) Magbalik Ka Na Mahal Lyrics

Older Post