Bakeshop – Abutan Lyrics



BAKESHOP LYRICS

"Abutan"


Kailan ba matatapos ang gulo sa isip
Ako'y nahihirapan na... magtiwala
Lahat ay kaya mong gawin
At pinangako mo sakin
Ikaw ang bahala
Ngayon ako'y kawawa

Di ka na nakukuntento sa kung ano ang meron ka
Kapag natalo ay dinaya ka

(Chorus)
Anghel kanyang mukha
Matamis mag salita
Sa peke niyang ngiti
Mapapaamo ka
Lagi kong babala
Mag-ingat ingat ka

Di mo na pinapansin
Pati sakin inaangkin
(Kaibigan ka lang)
Kapag may kailangan

Ano mang dahilan ikaw lang nakakaalam
Lahat kami gusto mong agawan

Anghel kanyang mukha
Matamis mag salita
Sa peke niyang ngiti
Mapapaamo ka
Lagi kong babala
Mag ingat sa kanya
Nakatago lang ang buntot at sungay niya

Bakit ba ganoon
Puso'y paikot-ikot lamang
Parang trumpong walang patutunguhan
Buhay ay biyaya
Sa Kanya mapapawi ang luha
Tahan na

This image may be subject to copyright.
Bakeshop – Abutan Lyrics

Older Post