Loonie feat. K.A Antonio – From Saudi With Love Lyrics



LOONIE LYRICS

"From Saudi With Love"
(K.A Antonio)


Laging nananabik sa yakap mo,
sayong pagbabalik asahan mo,
kamay mo lang ang laging hawak ko,
halik ang kalakip nitong sulat mo.

Dear Susan, my love nasa saudi na ako
sa wakas nakatapak na ang mga paa ko
alam mo ang buhay dito ay masalimuot
ang init init na nga ang dami pa nilang suot
sibuyas pinapapak nila parang mansanas
kaya pala hindi sila tinatablan ng tawas
alam mo ba para makapag padala
kayod kabayo ang trabaho ko dala dalawa
sekyu sa umaga tagatimpla ng kape
para yung kita malake masahista pa sa gabe
yung isang kasama ko pinarusahan sa kampus
pinahubad lahat tas pinayakap sa cactus
hanggang dito na lang magiingat ka palage
tiis tiis na muna pipilitin kong bumawe
at hindi lang sulat to me konteng pera dyan sa selyo
napanalunan ko sa karera ng camello.

Laging nananabik sa yakap mo,
sayong pagbabalik asahan mo,
kamay mo lang ang laging hawak ko,
halik ang kalakip nitong sulat mo.

Dear Susan, miss na miss ko na ang Pilipinas
kaya tinitiis ko na lang mga biglaang
pagsabog dito ay gugulatin ka
putukan ng baril naman ay pupuyatin ka
hindi ka mabubuhay dito kung iyakin ka
minsanan lang kung umulan tapos buhangin pa
nakakasawang magtrabaho maghapong nakatayo
napakahirap pala talagang mapalayo
solitaryo palagi ang aking nilalaro
nakakasawa nang kumain ng baboy nang patago
sa amo kong arabong madalas kang mamaltrato
tapos madamot sa sahod masahol pa sa balato
saktong sakto kaya minsan kulang ang padala
pagpasensyahan mo na walang wala lang talaga
Susan, mahal kita yun lang ang aking masasabi
lagi mong tandaan maaalala mo palagi.

Laging nananabik sa yakap mo,
sayong pagbabalik asahan mo,
kamay mo lang ang laging hawak ko,
halik ang kalakip nitong sulat mo.

Dear Susan, kamusta na? sagot naman dyan
anu ka ba? buti pa patay nagpaparamdam
pangalan ko sa isip mo meron na bang pumalit?
meron na bang humalili, meron na bang pamalit?
gusto ko nang bumalik, alam mo ba kagabi?
yung amo ko sa kwarto ko bigla na lang pumanik
parang manghahalik sabik na sabik
ang sabi nya sa dick kiss me sa dick!
lumapit siya sakin na parang may gustong mangyari
parang gustong angkinin ang aking pag-aari
buti na lang marunong akong mag karate
grabe ang mga sumunod na pangyayari
leeg niya ay nabali doon ako nayari
baka pugutan na ako bukas ng tanghali
mahal kita Susan yun lang ang aking masasabi
lagi mong tandaan maaalala mo palagi.

Laging nananabik sa yakap mo,
sayong pagbabalik asahan mo,
kamay mo lang ang laging hawak ko,
halik ang kalakip nitong sulat mo.

This image may be subject to copyright.
Loonie feat. K.A Antonio – From Saudi With Love Lyrics

Older Post