Magtanim Ay Di Biro Song

by Krint Asil , at 05:26


FOLK SONG LYRICS

“Magtanim Ay Di Biro”


Magtanim ay di biro
Maghapong nakayuko
Di naman makatayo
Di naman makaupo

Bisig ko'y namamanhid
Baywang ko'y nangangawit.
Binti ko'y namimintig
Sa pagkababad sa tubig.

Kay-pagkasawing-palad
Ng inianak sa hirap,
Ang bisig kung di iunat,
Di kumita ng pilak.

Sa umagang pagkagising
Lahat ay iisipin
Kung saan may patanim
May masarap na pagkain.

Halina, halina, mga kaliyag,
Tayo'y magsipag-unat-unat.
Magpanibago tayo ng lakas
Para sa araw ng bukas

(Braso ko'y namamanhid
Baywang ko'y nangangawit.
Binti ko'y namimintig
Sa pagkababad sa tubig.)
Krint Asil
Magtanim Ay Di Biro Song - written by Krint Asil , published at 05:26, categorized as OPM Song , Tagalog Folk Song
Comment disabled
Copyright ©2013 Lyrics Pinas
Theme Designed By - Published by --
Powered by Blogger