Tinikling Song Lyrics

FOLK SONG LYRICS

“Tinikling Song”


[First Version]

Tayo'y magsayaw irog ko ng tinikling
Tulad ng sayaw ng lolo't lola natin
Ang mga hakbang na kung di pagbubutihin
Dalawang kawayan tayo'y iipitin

At sa tinikling na tigib ng panganib
Ang hindi maingat iya'y maiipit
Pusong maharot ganyan din sa pag-ibig
Ang nakakamit paghakbang ay ligalig

Kung magsasayaw ka giliw ng tinikling
Kumpas ng kawayan kahit mapatulin
Ang mga binti mo'y kay hirap hulihin
'Sing ilap din ng puso mo sa paggiliw


[Another Version]

Tayo irog ko magsayaw ng tinikling
Tulad ng sayaw ng lolo't lola natin
Ang mga padyak kung di pagbubutihin
Dalawang kawayan tayo'y iipitin.

At sa tinikling na labis na panganib
Ang hindi maingat ay maiipit
Ngunit mahal ko ganyan din sa pagibig
Ang hindi tapat ay maiipit.

Kung magsasayaw ka giliw ng tinikling
Kumpas ng kawayan kahit mapatulin
Ang mga binti mo'y kay hirap hulihin
'Sing ilap din ng puso mo sa paggiliw

Older Post