Asin – Lupa Lyrics

ASIN LYRICS

“Asin”


INTRO

Nagmula sa lupa, magbabalik na kusa
Ang buhay mong sa lupa nagmula
Bago mo linisin ang dungis ng 'yong kapwa
Hugasan ang 'yong putik sa mukha
REFRAIN
Kung ano ang 'di mo gusto
Huwag gawin sa iba
Kung ano ang iyong inutang
Ay s'ya ring kabayaran

Sa mundo, ang buhay ay mayroong hangganan
Dahil tayo ay lupa lamang
Kaya pilitin mong ika'y magbago
Habang may panahon, ika'y magbago
Pagmamahal sa kapwa ay isipin mo

AD LIB

Kaya ngayon, dapat ika'y magbago
Habang may panahon, ika'y matuto
Pagmamahal sa kapwa, isapuso mo

Older Post