Pilipinas, Kailan Ka Magigising? – Rivermaya



RIVERMAYA LYRICS

“Pilipinas, Kailan Ka Magigising?”


Nakatulalang mga pangarap
Buntong-hiningang nalilito
Naghihintay ng kasagutan habang
Inaalikabok

Sino pang dapat mong sisisihin
Ngayong gumagapang sa silid
Bakas ng 'yong apak sa puso ng
Tinuring mong kapatid

Hindi pa huli!

Pilipinas, kailan ka magigising?
Pag inuna ang sarili, nasa huli ang pagsisisi
Inang bayan
Patawarin mo kami

Sino ang magbibigay ng buhay
Sa minamahal mong Pilipinas

Bumabaha ng kalokohan
Hindi naman dati ganito
Wala ba tayong kinalaman
Sa basura ng mundo

Bakit ka nagtatakaka?
Sa pagka-kulong ng kalayaan ay
Ikaw ang pumirma

Hindi pa huli!

Pilipinas, kailan ka magigising?
Pag inuna ang sarili, nasa huli ang pagsisisi
Inang bayan
Harapin ang salamin

Tayo ang magbibigay ng buhay
Sa minamahal mong Pilipinas

Pilipinas, kailan ka magigising?
Pag inuna ang sarili, nasa huli ang pagsisisi
Sayang ang panahon
Simulan mo na ngayon
Simulan mo na
Pilipinas, kailan ka magigising?
Kailan pa?

Tayo ang magbibigay ng buhay
Sa namamatay na Pilipinas

Older Post