Aiza Seguera – Para Lang Sa’yo Lyrics

AIZA SEGUERA LYRICS

“Para Lang Sa’yo”

I
Noo’y umiibig na ako subalit nasaktan ang puso parang ayoko nang umiibig pang muli
May takot na nadarama na muli ay maranasan ayoko nang masaktang muli ang puso ko
Ngunit nang ikaw ay makilala biglang nagbago ang nadarama

Chorus:
Para sa’yo ako’y iibig pang muli
Dahil sa’yo ako’y iibig nang muli
Ang aking puso’y pag-ingatan mo
Dahil sa ako’y muling magmamahal sa’yo
Para lang sa’yo

II
Muli ay aking nadama kung paano ang umiibig masakit man ang nakaraa’y nalimot na
Ang Tulad mo’y naiiba at sa’yo lamang nakita ang tunay na pag-ibig na aking hinahanap
Buti nalang ikaw ay nakilala tinago mo ang nadarama

(chorus)

Bridge:
Di na ako muling mag-iisa ngayong ikaw ay nandito na..

(chorus)

ako’y iibig pang muli
para lang sa’yo…

Older Post