Francisco Santiago – Madaling Araw Lyrics

FRANCISCO SANTIAGO LYRICS

“Madaling Araw”

Irog kong dinggin
Angtibok ng puso
Sana'y damdamin
Hirap nang sumuyo
Manong Itunghay
Ang matang mapungay
na siyang tanging ilaw
ng buhay kong papanaw.

Sagitna ng karimlan,
Magmadaling araw ka
At ako ay lawitan ng habag
At pagsinta.

Kung ako'y mamatay sa lungkot,
Nyaring buhay
Lumapit ka lang at mabubuhay
At kung magkagayon
Mutya, Mapalad ang buhay ko
Magdaranas ng tuwa dahil saiyo

Madaling araw na sinta
Liwanag ko't tanglaw
Halina Irog ko at
Mahalin o ako
Mutyang mapalad na ang buhay ko
Nang dahilan sa Ganda mo,
Madaling Araw na Sinta
Liwang ko't Tanglaw
Halina Irog ko
At mahalin mo ako
Manungaw ka liyag
Ilaw ko't pangarap
at Madaling araw na.

Older Post