Ric Manrique Jr. – Butuing Marikit Lyrics

RIC MANRIQUE JR. LYRICS

“Butuing Marikit”

Bituing marikit, sa gabi ng buhay
Ang bawat kislap mo'y ligaya ang taglay
Yaring aking palad, iyong patnubayan
At kahit na sinag, ako'y bahaginan

Natanim sa puso ko yaong isang pag-ibig
Na pinakasasamba sa loob ng dibdib
Sa iyong luningning, laging nasasabik
Ikaw ang pangarap, bituing marikit

Lapitan mo ako, halina bituin
Ating pag-isahin ang mga damdamin
Ang sabik kong diwa'y huwag mong uhawin
Sa batis ng iyong wagas na pag-ibig

Ang sabik kong diwa'y huwag mong uhawin
Sa batis ng iyong wagas na pag-giliw

Older Post