Ronnie Liang – May Minamahal Lyrics

RONNIE LIANG LYRICS

"May Minamahal"

May minamahal
Bawat taong may damdamin
May minamahal
Tulad mo at tulad ko
Nakadama sa isa't isa ng pag-ibig
At ngayo'y nagmamahalan ng tapat

'Pag nagmamahal
Bawat sandaling kasiping ka'y anong bilis
Bawat oras ay mayro'ng
Kasaysayang anong sarap
Anong tamis
Maligaya nga ang taong
Nagmamahal

Kaya ako'y napaligaya
Ng tunay na pagmamahal
Ang lahat ng katangian ay
Sa'yo
Ningning ng mata, lambot
Ng labi
At ugaling walang
Kapintasan
Nababalot ng alindog,
Katawang tunay

'Pag nagmahal
Kulay rosas ang paligid ko
Sa tuwi-tuwina nakayakap
Sa ulap
Buong mundo'y nagagalak
Na mayroong nagtatalik na
Dal'wang
Pusong nagmamahal

Kaya't tayo'y magpasalamat
Sa ating kapalaran
Nasa ating kapalaran
Nasa atin ang kaganapang
Hinahanap
Ng bawat nilalang na may
Puso rin
Dahil tayo'y hindi
Magbabago
Hanggang may buhay

May minamahal
Bawat taong may damdamin
May minamahal
Tulad mo at tulad ko
Nakadama sa isa't isa ng pag-ibig

Kaya’t habang may pag-asa pa kayo
Humanap ng pag-ibig na totoo
Saka lang liligaya
Kung mayroon ngang tunay na minamahal

May minamahal
Bawat taong may damdamin
May minamahal
Tulad mo at tulad ko
Nakadama sa isa't isa ng pag-ibig

Kaya’t habang may pag-asa pa kayo
Humanap ng pag-ibig na totoo
Saka lang liligaya
Kung mayroon ngang tunay na minamahal

Na minamahal…. ohhhhhhhh

Got Something to Add?
0 comments: Post a Comment

Older Post