Juana Cosme – Ibong Ligaw Lyrics | Juan dela Cruz Soundtrack

Juana Cosme Ibong Ligaw Lyrics  Juan dela Cruz  Soundtrack

JUAN COSME LYRICS

"Ibong Ligaw"
(Juan dela Cruz TV series Soundtrack)


Paano Pa Kaya Tatanggapin ng puso Ko?
Mula nang sa 'kin ay sabihin mong 'Di na ako
Ang siyang nilalama't tinitibok ng puso mo
Gumuho ang lahat pati mga pangarap ko
Umasa nang anong tagal dahil akala ko
Ako na ang lahat-lahat para sa tulad mo
Malilimutan ko pa ba ang pighating ito?
Ngayong tuluyan na ika'y wala sa piling ko
Ibong ligaw ang tulad ko

Ang puso't isip ay lito saan ako patutungo?
Nagdurugo ang puso ko
Nabali ang mga pakpak bigong-bigo dahil ako'y iniwan mo

Mayron's mga gabing mga mata'y di mapikit
Pati ang diwa ko ay-bakit 'di na maidlip?
Paglimot sa iyo'y hindi pa rin masumpungan
Sarili ay tinatanong bakit nagkaganyan?
Umasa nang anon tagal dahil akala ko
Ako na ang lahat-lahat para sa tulad mo
Malilimutan ko pa ba ang pighating ito
Gayong Tuluyan na ika'y wala sa piling ko

Ibong ligaw ang tulad ko
Ang puso't isip ay lito saan ako patutungo?
Nagdurogo ang puso ko
Nabali ang mga pakpak bigong-bigo dahil ako'y iniwan mo
Woh! - ibong ligaw ang tulad ko
Ang puso't isip ay lito
Saan ako patutungo?
Nagdurugo ang puso ko
Nabali ang mga pakpak
Bigong-Bigo dahil ako'y iniwan mo

Older Post