Papew – BuKo Lyrics

PAPEW LYRICS

"BuKo"

Verse 1

nahuli mo puso ko ito'y agad na preso
kinulong binartolina at miski san pa ma pwesto
walang balak na tumakas o ibreak ang mga chains ko
kasi mundo'y umikot sa iyo na parang chain saw

walang katapusan kasi unlimited ang love
pinapakita ko lahat ng ika'y di na maghanap
sa twing ayaw mo ng rap binibili ng pop
sayo ako'y natuto na gawing posible ang lahat

kasi pag yan ay tinotopak sakin libre ang sapak
sineswerte pa pala pag minsan trip nya lang ay jab
kung walang rosas pipitas ng ilang ilang sa tapat
sapagkat sakin ika'y bidang bida sa lahat

kaya kita pinili na ibigin ay upang
ika'y paglingkuran ako'y alipin nyo po mam!
mahimbing kang pumikit saking bisig ang unan
para sayong pag gising may ngiti na lulutang

Verse 2

ako ay binuo mo na parang dating adik ka sa lego
kinumpleto ni remejo ang malapit na ma dedo
kasi pusong nasa akin nanganganib na ma endo
buti sinagip mo ng ika'y sakin napa tsempo

yung beat ay walang preno hapit na ang tempo
mukhang di na titigil parang traffic lang sa metro
kung di mo marinig ang sasabihin ko ay heto
mahal kita mahal kita na nilagyan ng echo

upang masigurado na ito'y dumating sayo
pag nilalambing ako ang katapat na presyo
ay wala kasi higit ka pa sa mga nakamit na to
kaya pala ganto aking pakiramdam ay presko

aking pinapangako na miski pa nasa aircon
sayo'y di manlalamig parang bagong gawa na yelo
sa halip ako'y mas cheezy pa sa pabrika ng keso
ikaw ang reyna kung ako ay hari na may templo

Verse 3

wag mo akong paghinalaan na nahanap ng iba
di ko kailangan non kasi ngayon sapat na ang isa
sapat na ang ikaw na sakin ay nagdadala saya
kung sinasabing mong mahal ako ay mas mahal kita

wag mong isiping balak ko na mga ex ay balikan
di pa ko nababaliw upang anghel ay palitan
di ba aking pinangako na hindi magbabago
at hindi mapapakong si papew ay sayo lang

kahit nagtataray ka yun ay ayos lang sa aken
kailanman ay hindi na magbabago ang hangarin
ang tanging panalangin ika'y sakin mamalagi
wag na tayo magpatinag sa bagyong dala ng hangin

napasuko mo kamay ay binaba ko na sayo
balang araw ang mukha mo lalagay ko na tato
kasi kagaya ng pag-ibig ko sa iyo sinta
ay di hindi magbabago tinaga na sa bato

Older Post