Ang Panginoon ang Aking Pastol Lyrics

TAGALOG CHRISTIAN LYRICS

"Ang Panginoon ang Aking Pastol"

REF:
Ang Panginoon ang aking pastol
Pinagiginhawa akong lubos

Handog niyang himlaya’y sariwang pastulan
Ang pahingaan ko’y payapang batisan,
Hatid sa kalul’wa ay kaginhawahan,
Sa tumpak na landas, Siya ang patnubay.
(refrain )

Madilim na lambak man ang tatahakin ko,
Wala aking sindak, Siya’y kasama ko.
Ang hawak niyang tungkod ang siyang gabay ko.
Tangan niyang pamalo, sigla’t tanggulan ko. ( refrain )

Older Post