Freddie Aguilar – Pasko Ang Damdamin Lyrics

FREDDIE AGUILAR LYRICS

"Pasko Ang Damdamin"

Nagbunga ng lahat itong mga pagtitiis
Sa lupang sinilangan, ako'y muling magbabalik
O, kay tagal din naman ng aking pagkalayo
Sa kagustuhan kong sa hirap buhay mahango

Maraming araw at gabi ang aking binuno
Mga mahal ko ang nagpalakas ng aking loob
Hindi ko napansin ang takbo ng mga oras
Ngayon nga ako'y pabalik na sa Pilipinas

Pabilis nang pabilis ang tibok ng aking dibdib
Habang ang eroplano'y palapit nang palapit
Sa bayan kong kay tagal ding hindi ko nasilip
Ngayon ay muli ko na itong mamamasid

Unti-unti bumababa itong sinasakyan
Ang sabi ng stewardess ituwid ang upuan
Lalapag na ang eroplano sa aking Inang Bayan
Ang sayang nadarama walang mapagsidlan

CHORUS
Pasko ang damdamin
Pasko ang damdamin
Pasko ang damdamin
Pasko ang damdamin

[Repeat all]
[Repeat CHORUS thrice]


[[.. request by Kath ..]]

Older Post