Mike Hanopol – Laki Sa Layaw Lyrics

MIKE HANOPOL LYRICS

"Laki Sa Layaw"

May mga taong lumaki sa hirap
Merong laki sa layaw, puro sarap
Kung siya'y titigan mo, akala mo kung sino
Hindi na bumababa sa kanyang trono.

Lahat ng gusto niya, ibinigay na sa kanya
Ngunit wala pa rin siyang kasiyahan
Hindi pa makuntento sa kanyang mga bisyo
Nilubog pa n'ya ang sarili sa putik.

Refrain:

Kilala sa bayan, asal ay gahaman
Malakas sa inuman, istorbo sa daan
Meron pa kayang pag-asang magbago
Ang taong lumaki sa layaw?

Chorus:

Laki sa layaw, laki sa layaw, jeproks
Laki sa layaw, laki sa layaw, jeproks
Laki sa layaw, laki sa layaw, jeproks

Ad lib:

Sobra sa bigat, hindi na mabuhat
Sobra sa tamad, laging hubad
Hindi na n'ya mapigilan ang kanyang mga bisyo
Kaya ang bagsak niya'y sa kalaboso.

Repeat Refrain & Chorus

Older Post