Sampaguita – Sayawan

SAMPAGUITA LYRICS

"Sayawan"

Kay sarap damdamin
Kung nasasakyan mo ang tugtugan
Sabayan lang ng indakan ng katawan
Ibibigay mo lang
Ang nararamdaman mong t'yempo
Pati ang edad mo ay wala sa isip mo

Chorus 1
Tayo ay magsayawan
Lahat ay maggalawan
Kami'y nagtututugan
Bagsakan, sabayan
Kahit na magdamagan
Wala ka ng kapaguran

Chorus 2
Lundagan nang lundagan
Padyakan nang padyakan
Sabay-sabay tayong magkalampagan
Sigawan nang sigawan
Nagpapalakpakan
Kahit anong galaw
Ang tawag ay sayaw

II
Sige na, pare
Magyugyugan na tayo nang todo
Galaw-galaw mo lang ang kamay at ulo mo
Pikit mo ang mata
At isipin mo na lang na libre ka
Gamot sa taong may problema'y musika

(Repeat Chorus 2)

(Repeat II)
(Repeat Chorus 1 to fade)

[[.. request by Kath ..]]

Older Post