Sponge Cola – Pasubali Lyrics

SPONGE COLA LYRICS

"Pasubali"

Kung pwede lang
Wag mo na 'tong iwasan
At 'wag mo ring
Ituring na biro
Marahil 'to'y 'di mo inaasahan
Pero sana'y
'Wag ipinid ang pinto

Itikom ang bibig
Mata'y ibaling sa'kin
Pakinggan mo ang sasabihin ko

[Chorus]
Kailan mo ba matutunan?
Kailan mo ba 'pagsisigawang
'Di mo na 'pagkakailang tayo?
Kay rami nang pinagdaanan
Ano pa ba ang 'yong kailangan?
Nagsusumamo na sabihin mo

Ang diwa ko'y
Tigib sa kaiisip
Sa sarili'y laging
May kinikimkim
Patuloy lamang bang mananaginip?
At mananatili lang na nakapikit?

Ako'y mayro'ng batid
Ito'y iyong pag-amin
Hindi na natin maiiwasan 'to

Kailan mo ba matututtunan
Kailan mo ba pagsisigawan
Di mo na pagkakailang tayo
Kay rami ng pinagdaanan
Ano pa bang iyong kailangan
Nagsusumamo na sabihin mo...

Itikom ang bibig
Mata'y ibaling sa'kin
Pakinggan mo ang sasabihin ko

Naiiintindihan mo ba??

Kailan mo ba matututunan?
Kailan mo ba pagsisigawan?
Di mo na pagkakailang TAYO?
Kay rami ng pinagdaanan
Ano pa bang iyong kailangan
Nagsusumamo na sabihin mo

Nagsusumamo na sabihin mo
Hoh hooh...

Older Post