Wolfgang – Mata ng Diyos Lyrics

WOLFGANG LYRICS

"Mata ng Diyos"

Sa pag mulat ng aking mata
Ako'y ginising ng ihip ng hangin
Ang sikat ng araw, makulay

Sa tabi ng ilog
Parang may tumatawag, pabulong
Ako'y lumapit sa puno'y may natanaw
Dumilim ang araw

Bumigat bigla ang aking dibdib
Tibok ng puso'y bumilis
Ako'y hindi mapakali, ako'y naduduwag
Sa pagtitig ng kanyang mata
Ako'y kanyang hinusgahan
Ligaya kong naramdaman
Binawi sa akin
At hindi ko naalala
Kung saan galing ito
Mga bahid ng dugong dumikit sa aking mga kuko

Tumakbo, lumayo sa lugar na 'to
Lalamunan ko'y tuyung-tuyo
Tumakbo, lumayo sa pagtitig mo
Sa mata ng Diyos

Biglang umikot ang paningin
Liwanag ng araw biglang dilim
Malamig na ihip ng hangin ngayon ay matalim
Ako'y nawala sa aking sarili
Pati ang lupa'y gumanti
Bato, bundok at puno man
Sumisigaw, sumisigaw...

At ngayon ko nakikita
Ang lahat ng kasalanan, tinaboy sa ulan
Init at kamunduhan

Tumakbo, lumayo sa lugar na 'to
Lalamunan ko'y tuyung-tuyo
Tumakbo, lumayo at magtago
Sa mata ng Diyos

Mata ng Diyos...

Inalok ako ng isang ahas
Pula't matamis na mansanas
Pilit ko man hindi makaiwas
Sa mata ng Diyos

Older Post