The Company – Isang Taong Lumipas Lyrics

THE COMPANY LYRICS

"Isang Taong Lumipas"

Heto na naman tayo muling nagkasama
Taun-taon na lamang tayo'y nagkikita
At kahit 'di nagkakausap ng anong tagal pa
'Pag nagkaharap-harap ang saya-saya

May ilan sa atin na hindi makakarating
At may ilan pa sa kanilang 'di na makapipiling
Ngunit kahit wala sila ay parang nandiyan pa rin
Dahil sila ay nandid'yan sa puso natin

Isang taong lumipas, isang taong dumaan
May tumaba, may pumayat, may nagtampuhan
May nagkabati, may nagsama't hiwalayan
Kaya ang dami-dami nating kwentuhan

Isang taong lumipas, isang taong dumaan
May nadagdag sa atin, mayroon ding nabawasan
Ngunit sa dinami ng mga taong pinagsamahan
Tuwing Pasko tayo at tayo pa rin lamang

Older Post