Yeng Constantino – Ikaw At Ako Lyrics

YENG CONSTANTINO LYRICS

"Ikaw At Ako"

Isang tinig lang ba ang ibig sabihin
ng pagkakaisa o hindi rin naman
naririnig ang ibig sabihin ng
himig na to

Gusto mo rin bang umawit
at marinig ang iyong tinig
ikaw at ako..
ngayong pasko...

Kung ikaw may nagnanais mag-abot ng tinig
Ilang labi ang mapapangiti
ng bukal sa damdamin
kung nariyan ang pusong handang magpatawad
kung may puwang sa damdamin ang
paghingi ng patawad tayo'y magkakaisa
kahit sa isip ay saliwa
kung pag-ibig ang mauuna
Ang pasko'y maiiba.

Chorus:
Sama-sama ngayong pasko
isang tinig tayong maririnig
ipaabot sa buong mundo
ang bawat kamay habang humihimig
na ibig sabihin ng pasko
ang ibig sabihin ng pasko'y..
ikaw at ako..

Kung ikaw ay handang
magbukas ng yong palad
ilang hiling ang matutupad
mga munti mang pangarap
kung may isang bisig na handang magkalinga
ilang luha ang mapapawi ng mainit na yakap
Tayo'y magkakaisa kahit sa isip ay saliwa
kung pag-ibig ang mauuna
Ang pasko'y maiiba

Chorus:
Sama-sama ngayong pasko
isang tinig tayong maririnig
ipaabot sa buong mundo
ang bawat kamay habang humihimig
na ibig sabihin ng pasko
ang ibig sabihin ng pasko'y..
ikaw at ako..

Isang tinig lang ba ang ibig sabihin
ng pagkakaisa
o hindi rin naman maririnig
ang ibig sabihin ng himig na to
Halika't ika'y umawit ng madinig ang
'yong tinig
ikaw at ako..
ngayong pasko...

Chorus:
Sama-sama ngayong pasko
isang tinig tayong maririnig
ipaabot sa buong mundo
ang bawat kamay habang humihimig
na ibig sabihin ng pasko
ang ibig sabihin ng pasko..
ang ibig sabihin ng pasko'y...
ang ibig sabihin ng pasko'y...
ikaw at ako...

Older Post