The Angelos “Mula Sa Puso”


Bakit nga ba ang puso
Pag nagmamahal na
Ay sadyang nakapagtataka
Ang bawa't sandali
Lagi nang may ngiti
Dahil langit ang nadarama

Para bang ang lahat ay walang hangganan
Dahil sa tamis na nararanasan
Kung mula sa puso ay tunay ngang ganyan

Nais ko'y ikaw ang laging yakap-yakap
Yakap na sana'y walang wakas
Sana'y laging ako ang iniisip mo
Sa maghapon at sa magdamag

Init ng pag-ibig ating pagsaluhan
Kung mayroong hahadlang
'Di ko papayagan
Kung mula sa puso ay tunay ngang ganyan

Init ng pag-ibig ating pagsaluhan
Kung mayroong hahadlang
Hindi ko papayagan
Kung mula sa puso ay tunay ngang ganyan

Nais ko'y ikaw ang laging yakap-yakap
Yakap na sana'y walang wakas
Sana'y laging ako ang iniisip mo
Sa maghapon at sa magdamag

Init ng pag-ibig ating pagsaluhan
Kung mayroong hahadlang
Hindi ko papayagan
Kung mula sa puso ay tunay ngang ganyan

Kung mula sa puso ay tunay ngang ganyan

Older Post