Yeng Constantino – Pasko Sa Pinas Lyrics

YENG CONSTANTINO LYRICS

"Pasko Sa Pinas"

Nadarama ko na ang lamig ng hangin
Naririnig ko pa ang maliliit na tinig
May dalang tansang pinagsama-sama't
Ginawang tambourine
Ang mga parol ng bawat tahana'y
Nagniningning

Ibang mukha ng saya
Himig ng Pasko'y nadarama ko na

May tatalo pa ba sa pasko ng Pinas
Ang kaligayahan nati'y walang kupas
Di alintana kung walang pera
Basta't tayo'y magkakasama
Ibang-ibang talaga ang pasko sa Pinas

May simpleng regalo na si ninong at si ninang
Para sa inaanak na nag-aabang
Ang buong pamilya ay magkakasama sa paggawa ng Christmas Tree
Ayan na ang barkada ikaw ay niyayaya para magsimbang gabi
Ibang mukha ng saya
Himig ng Pasko'y nadarama ko na

May tatalo pa ba sa pasko ng Pinas
Ang kaligayahan nati'y walang kupas
Di alintana kung walang pera
Basta't tayo'y magkakasama
Ibang-ibang talaga ang pasko sa Pinas

Ibang-iba talaga
Kahit saan ikumpara
May ibang ihip ng hangin 'di maintindhan
Mapapangiting bigla sa kung ano ang dahilan
Nadarama mo na ba, mo na ba, mo na ba?

May tatalo pa ba sa pasko ng Pinas
Ang kaligayahan nati'y walang kupas
Di alintana kung walang pera
Basta't tayo'y magkakasama
Ibang-ibang talaga ang pasko sa Pinas

May tatalo pa ba sa pasko ng Pinas
Ang kaligayahan nati'y walang kupas
Di alintana kung walang pera
Basta't tayo'y magkakasama
Ibang-ibang talaga
Ang pasko sa Pinas

Got Something to Add?
0 comments: Post a Comment

Older Post