
PERYODIKO LYRICS
“Ayoko Na Ng Drama”
Natatanaw mo ba?
Halos hindi na magkasya ang puno’t dulo ng dula
Sa masikip na garapon
Ang pusong patapon nahihirapan nang huminga
Ayoko na…ayoko na ng drama
Di bale na…palitan na ang eksena
Hindi naman ako manhid
Pasensya na kung nasasaid ang pasensya kong namamanhid
At di naman ako ganito
Ngunit hindi naman dapat ganito ang ikot ng mundo
Magulo
Namamalikmata sa tuwing nadadala
Paulit-ulit na ang simula
Dinahan-dahan man, ganun pa rin nasasaktan
Nahihiga sa kanlungan
Ng kanyang inang punumpuno ng disgrasya
Ayoko na…ayoko na ng drama
Hindi naman ako manhid
Pasensya na kung nasasaid ang pasensya kong namamanhid
At di naman ako ganito
Ngunit hindi naman dapat ganito ang ikot ng mundo
Magulo