“Dagat ng Apoy” by Valley of Chrome


Dagat ng Apoy by Valley of Chrome

“Dagat ng Apoy”



I

Lulusong ka na ba? Sa Dagat ng Apoy?

At nakita ko, ang tagumpay
Malayo man di mahiwalay
Ang mahalaga, ay may apoy pa rin
Anumang hirap ay aangkinin

Chorus:
Gumugulo sa iyong isipan takot at kaba
Buhayin ang sarili mo’t magsimula ka na
Sino ba naman sila para pigilan ka?
Sa Dagat ng Apoy, muling lalaban ka

II

At ang lungkot, ay walang saysay
Ating kapalaran ay nasa ‘king kamay
‘Di bibitaw, sa mga pangako ko
At magbabalik muli sa piling nyo.

Bridge:

Mga kuko ng kahapon
Wala na silang talim

Salamat kabiguan, tinuruan mo ako
Sa hirap na dinanas ko (pangarap mabubuo)
Kahit imposible, pipilitin ko
Kahit mahirap ay kakayanin ko.
(Hinalikan ko ang liwanag... Tinakwil ko ang lagim!)

III

...At lilipas din ang mga taon
Simula ng ating pag-ahon
‘Di ako papayag na...
Magpalunod...
Magpatalo...
Sa dagat ng apoy

Artist: Valley of Chrome 
Song Title: Dagat ng Apoy
Album: TBD
Released: 2014 
© Radio Republic

Got Something to Add?
0 comments: Post a Comment

Older Post