Klarisse De Guzman – “Sabihin Mo Sa Akin” – Mirabella OST

Artist: Klarisse De Guzman
Song Title: Sabihin Mo Sa Akin
Album: TBD (Mirabella OST)
Released: 2014
© ABS-CBN



Klarisse De Guzman Sabihin Mo Sa Akin Mirabella OST

KLARISSE DE GUZMAN LYRICS

“Sabihin Mo Sa Akin”



Ang tunay bang pag-ibig ay mayroong mukha?
Ang puso ba'y saan tumitingin?
Ang mga ulap ba ay dapat kong hawiin
Upang maglaho ang dilim na bumabalot sa akin?

Pag-ibig ba ay may kinikilingan?
Namimili ba ng dapat mahalin?
Anong kailangan kong gawin upang
Pag-ibig ay maramdaman kahit lang saglit?

Ano ba ang mayroon sila
Na hindi matatagpuan sa akin?
Ako nga ba ay kakaiba
Sa kanilang paningin?
Ako ba ay may pagkukulang
Na dapat mapunan?
Ano ba ang mayroon sila
Na wala sa akin?

Ba't parang kay bilis nilang nakita
Pag-ibig na inaasam nila?
Ba't kay tagal ko nang naghihintay ngunit
Tila walang dumarating kundi malamig na hangin?

Ano ba ang mayroon sila
Na hindi matatagpuan sa akin?
Ako nga ba ay kakaiba
Sa kanilang paningin?
Ako ba ay may pagkukulang
Na dapat mapunan?
Ano ba ang mayroon sila?
Sabihin mo sa akin

Ano ba ang mayroon sila
Na hindi matatagpuan sa akin?
Ako nga ba ay kakaiba
Sa kanilang paningin?
Ako ba ay may pagkukulang
Na dapat mapunan?
Ano ba ang mayroon sila?
Sabihin mo sa akin

Got Something to Add?
0 comments: Post a Comment

Older Post