Teeth – “Laklak”


Teeth Laklak 20th Reunion

“Laklak”



Nagsimula sa patikimtikim
Pinilit kong gustuhin
Bisyo’y nagsimulang lumalim
Kaya ngayon ang hirap tanggalin

Kabilib-bilinan ng lola
‘wag nang uminom ng serbesa
Ito’y hindi inuming pang bata
Mag-softdrinks ka na lang muna
Pero ngayon ako’y matanda na
Lola pahingi ng pantoma

Ayan na nga… tumataas na ang amats ko
Kasi laklak maghapon magdamag
(O nako nahihilo na ako)
(O d’yos ko… nasusuka na ako)
Kasi laklak maghapon magdamag

Dibale nang hindi kumain
Basta may tomang nakahain
Ang sabi ng lasenggo sa amin
Pare shumat ka muna

Laklak ka nang laklak
Mukha ka nang parak

Artist: Teeth
Song Title: Laklak
Album: Teeth
Released: 1995
© Warner Music Philippines

Got Something to Add?
0 comments: Post a Comment

Older Post