Franchize ft. JKris “Yaka”

Artist: Franchize ft. JKris
Song Title: Yaka
Album:TBD
Released: 2014
Label: GMA Records

“Yaka”


Franchize ft. JKris Yaka Lyrics



Bago ang lahat ay nais ko sanang
Batiin ka ng magandang umaga kaibigan
Kamustang kalagayan mo, ok lang ba ang araw mo?
Soya ba ang gising pagkabangon mo sa kama mo?

Ah, mukhang maayos ka naman
Kahit na sikmura mo minsan walang laman
Wag mong iisipin na mababa ka
Maikli ang pasensya pwes habaan pa

Dahil kaya mong gawin lahat ng iniisip
Masasakatuparan mo ang bawat panaginip
Kaya mong i-ukit ang sariling kapalaran
Lagi mo lang susubukan kahit na paulit ulit

Ganun pa man wag masyadong kampante
Minsan ay umaatras para makaabante
Ang pangarap ay tuparin, pag-asa ay abutin
Ang kaya ko ay kaya mo, lahat ay kaya mong gawin

Habang may buhay, ay may pag-asa
Habang may panahon, wag sayang ang pagkakataon
Maniwala.. Na makakaya..
Bawat oras ay mahalaga, kumilos ka.. lahat ay kaya mo!
Kayang kaya mo!

Ang buhay ay mala-sine lang
Kung minsan ay maasim parang sinigang
Pag wala nang pamasahe sumabay nalang
Pag namatay ang kandila pakisindihan

Ang mitsa na nagsisilbing ilaw sa pangarap
Na lagi mong iniisip kung paano maaakap
At kung mejo mahirap pakisimplehan
Baka sakaling may makarinig ng kanta mong nasulat

Dahil sa mundong ito'y walang imposible
Kelangan munang lumangoy bago ka sumisid
Kung di mo pa tukoy ang posibleng mangyare
Pagkatiwalaan lang parati ang sarili

Ganun pa man wag masyadong kampante
Minsan ay umaatras para makaabante
Ang pangarap ay tuparin, pag-asa ay abutin
Ang kaya ko ay kaya mo, lahat ay kaya mong gawin

Habang may buhay, ay may pag-asa
Habang may panahon, wag sayang ang pagkakataon
Maniwala.. Na makakaya..
Bawat oras ay mahalaga, kumilos ka.. lahat ay kaya mo!
Kayang kaya mo!

At kahit na paulit ulit nalang
Sinubukan mong humabol ngunit di makalamang
Kahit na punit punit ang gamit na tsinelas sa paa'ng
Humahakbang ng pahalang, lagi mong tatandaan

Na ang araw ay sisikat din
Titingalain ka ng dating di pumapansin
At makakarating ka rin kahit sa'n mo gustuhin
Lagi lang tatandaan lahat ay kaya mong gawin!

Habang may buhay, ay may pag-asa
Habang may panahon, wag sayang ang pagkakataon
Maniwala.. Na makakaya..
Bawat oras ay mahalaga, kumilos ka.. lahat ay kaya mo!
Kayang kaya mo!

Habang may buhay, ay may pag-asa
Habang may panahon, wag sayang ang pagkakataon
Maniwala.. Na makakaya..
Bawat oras ay mahalaga, kumilos ka.. lahat ay kaya mo!

Got Something to Add?
0 comments: Post a Comment

Older Post