Loonie feat. Smugglaz – “Pilosopo”

Artist: Loonie 
Song Title: Pilosopo
Album: Ultrasound
Released: 2013
Label:MCA Music, Inc.


Blak Dyak Goodboy

LOONIE LYRICS

“Pilosopo”



Verse 1: LOONIE
Malawak ang isip, matalas ang diwa
Yun nga lang kakaiba ang tabas ng dila
Pag hawak ko na ang mikropono lagot
Bawat bobong tanong may pilosopong sagot
Mag aral ng mabuti yan ang dapat kong gawin
Kaso nga lang pati masama inaral ko na rin
Tsaka di ko man aminin
Kung ano ang ayaw kong isulat yun ang ibig kong sabihin
Di mo maintindihan pilit mo mang isipin
Ang pahiwatig ng mga titik sa awitin
Malalim humiwa ang lirikong may ngipin
Palaging sariwa hindi nakakabitin
Bisayang dako
Diyos ko simba ko bakit ganito lahat gusto maging ako
Andami kong pangarap tutuparin ko to
Tagalog, Bisaya, Ingles may punto parin ako
Ano?

Chorus: LOONIE
Ano mang sabihin mo
Di mo kayang tindihan
Kahit na itodo mo (kahit na itodo mo)
Kasalanan ko ba na di mo maintindihan ang isang pilosopo?

Bridge:
Easy lang, (easy lang) bakit ka masyadong seryoso? (seryoso seryoso seryoso)
Easy lang, (easy lang) bakit ka masyadong seryoso? (seryoso seryoso seryoso)

Verse 2: LOONIE
Kahit magkulabo pa kame ng sinsasabi mong the best
Ako'y karibal pag may bisita kinakain ko yung guest
Kung di mo yon na gets pwes di ka na bagets
Jejemon at putapetz pwede munang umalis
Alis, layas, malinaw ba?
Di mo ba naintindihan parang ni hao ma?
Bumbilya sa ulo ko may ilaw na
Pag pinaliwanag ko pa baka masilaw ka
Halimaw sa mikropono
Teka muna pare
Walang sinabe mga letra mo sa akin
Tahimik bawat titik, alpabeto'y wawasakin
Pwedeng daanan ng bapor ang metaphor sa lalim
Tawag sa akin dun sa amin ay hari ng tugma
Ito'y biyaya nga bang galing langit o sumpa?
Kase pag sinabi mong rapper ka laging may kutsa
Anong klase? Gift wrapper o wrapper ng lumpia?
Pero

Chorus: LOONIE
Ano mang sabihin mo
Di mo kayang tindihan
Kahit na itodo mo (kahit na itodo mo)
Kasalanan ko ba na di mo maintindihan ang isang pilosopo?

Bridge:
Easy lang, (easy lang) bakit ka masyadong seryoso? (seryoso seryoso seryoso)
Easy lang, (easy lang) bakit ka masyadong seryoso? (seryoso seryoso seryoso)

Verse 3: SMUGGLAZ
Tulad din ng dati kung pambungad
Ay kwento mo sa pagong
At ang kumento't mga tanong
O argumentong alam mong alam kong alam nyong di na bago parang tunay sa di totoo
Sinung binobo nyo nung halalan nung kailan ba sinong binoto mo?
Ako'y pipilosopo, para sa likas daliring turong sinaulo nang mapangatawan
Bagamat matigas ang ulo'y mayrong malambot na pusong habol ang huling halakhak kahit na pagtawanan
Nangarap ng malayo, may natapos, san nagmula?
Umabante pataas na may pagpapakumbaba
Pinagmalaki ko na bago pa maliitin ng mga pangungutya
Lalo na kung galing lamang sa mga walang mukha
Na mahusay sa paggamit ng mabangong salita
Pero di balanse ang timbangan ng kanan at kaliwa
Pero baka biglang matulala, alam mo na, magulat ma eat bulaga
Pag sinimulan ko kayong pakitaan ng mga akala nyo sakin wala
Wala! Brrrr!

Chorus: LOONIE
Ano mang sabihin mo
Di mo kayang tindihan
Kahit na itodo mo (kahit na itodo mo)
Kasalanan ko ba na di mo maintindihan ang isang pilosopo?

Bridge:
Easy lang, (easy lang) bakit ka masyadong seryoso? (seryoso seryoso seryoso)
Easy lang, (easy lang) bakit ka masyadong seryoso? (seryoso seryoso seryoso)

Got Something to Add?
0 comments: Post a Comment

Older Post