143 – Sa Isang Sulyap Mo

Artist: 143
Song Title: Sa Isang Sulyap Mo
Album: Time For Love
Label: MCA Records
Release: 2011


143 – Sa Isang Sulyap Mo



Yuki:
Bakit kapag tumitingin ka natutunaw ako,
Bakit kapag lumalapit ka kumakabog ang puso ko
Bakit kapag nandito ka sumasaya araw ko
Lahat ng bagay sa mundo parang walang gulo

Anjo:
Bakit kapag nakikita ka parang nasa ulap ako
Bakit kapag kausap kita nauutal-utal sayo
Bakit kapag nandito ka nababaliw ako
Nababaliw sa tuwa ang puso ko

Chorus:
Sa isang sulyap mo ay nabihag ako, para bang himala ang lahat ng ito,
sa isang sulyap mo nabighani ako, nabalot ng pag-asa ang puso,
sa isang sulyap mo nalaman ang totoo, ang sarap mabuhay punung-puno ng kulay,
sa isang sulyap mo ayos na ako, sa isang sulyap mo, napa-ibig ako

Kim:
Bakit kapag kasama kita ang mundo ko’y nag-iiba
Bakit kapag kapiling kita ang puso ko’y sumusigla

Goldmon:
Bakit kapag nandito ka problema ko’y nabubura
Ikaw ang aking pag-asa at ang tanging ligaya

Chorus:
Sa isang sulyap mo ay nabihag ako, para bang himala ang lahat ng ito,
sa isang sulyap mo nabighani ako, nabalot ng pag-asa ang puso,
sa isang sulyap mo nalaman ang totoo, ang sarap mabuhay punung-puno ng kulay,
sa isang sulyap mo ayos na ako, sa isang sulyap mo, napa-ibig ako

Yuki:
Sa isang sulyap mo, ayos na ako
sa isang sulyap mo, napa-ibig ako.

Got Something to Add?
0 comments: Post a Comment

Older Post