Kris Lawrence – Torpe

Artist: Kris Lawrence
Song Title: Torpe
Album: The Philpop 2014
Label: Universal Records Philippines
Release: 2014


Kris Lawrence Torpe Official Music Video



Oh kay ganda,
Ng bawat umagang lagi kang nakikita
Ng masilayan parang nasa ulap na
Bawat sulyap ng iyong mata,
Tila ako’y nanghihina
Ako’y suko na

Ngunit di mo alam ang aking nararamdaman
Akala mo’y tinging sayo’y pang kaibigan lang
Pilit nalang tinatago sa takot na mabigo
Ngunit di matahimik ang puso

Bukas na lang
Bukas kung kailan ang puso’y may tapang
Para sabihin sa iyo ikaw lamang
Ang siyang nilalaman ng puso ko
Alam kong dapat mo nang malaman
Ngunit…
Bukas na lang

Oh kailan ba,
Kailan masasabi sayong mahal kita
Ngunit pag nalaman baka umiwas na
Tiyak na mundo’y magugunaw
Pag hindi ka matanaw
Oh pano na?

Ngunit di nga naman malalaman kung di susubukan
Hanggang kailan na lang ba kita pagmamasdan
Lagi na lang umuurong kahit nasa tamang pagkakataon
Bakit di ba magawa ngayon?

Bukas na lang
Bukas kung kailan ang puso’y may tapang
Para sabihin sa iyo ikaw lamang
Ang siyang nilalaman ng puso ko
Alam kong dapat mo nang malaman
Ngunit…
Bukas na lang

Bukas na lang
Bukas kung kailan ang puso’y may tapang
Para sabihin sa iyo ikaw lamang
Ang siyang nilalaman ng puso ko
Alam kong dapat mo nang malaman
Ngunit…
Bukas na lang

Got Something to Add?
0 comments: Post a Comment

Older Post