Kyla – Salbabida

Artist: Kyla
Song Title: Salbabida
Album: The Philpop 2014
Label: Universal Records Philippines
Release: 2014


Kyla Salbabida Official Music Video



Bumabaybay sa dalampasigan ng pag-ibig
Di na namalayang lumayo
Kumakampay pabalik sa may pampang subalit
Di na matakasan ang bagyo
Nagsusungit ang hangin
Nagtatampo ang kalangitan
Lumuluha ang mga ulap sa pag-ulan

Sa rumaragasang alon
Ikaw ang salbabida, diba, diba
Pag hindi na makaahon
Ikaw ang salbabida, diba, diba
Dahil di na mag-iisa
Sabi mo diba, kapit ka lang sinta
Salbabida-di-da, da-di-da

Nangangamba sa mapaglarong banta ng tubig
At parang pagod nang lumangoy
Nakaamba ang mapagkalinga mong pag-ibig
Timbulang sagip sa panaghoy
Umihip man ang hangin
At magdilim ang kalangitan
Panatag lang sa gitna man ng kawalan

Sa rumaragasang alon
Ikaw ang salbabida, diba, diba
Pag hindi na makaahon
Ikaw ang salbabida, diba, diba
Dahil di na mag-iisa
Sabi mo diba, kapit ka lang sinta
Salbabida, salbabida, salbabida
Sal-ba-bi-da-di-da-di-da-di-da

Sa rumaragasang alon
Ikaw ang salbabida, diba, diba
Pag hindi na makaahon
Ikaw ang salbabida, diba, diba

Sa rumaragasang alon
Ikaw ang salbabida, diba, diba
Pag hindi na makaahon
Ikaw ang salbabida, diba, diba
Dahil di na mag-iisa
Sabi mo diba, kapit ka lang sinta
Salbabida-di-da, da-di-da
Salbabida-di-da, da-di-da
Salbabida-di-da, da-di-da

Got Something to Add?
0 comments: Post a Comment

Older Post