Join The Club – Nahihibang

Artist: Join The Club
Song Title: “Nahihibang”
Album: Nahihibang
Release: 2014
Label:TBD

Join The Club Nahihibang Lyrics




Nag-ibang paningin na dati pa ay kaydilim
Naiwasan ko na ding malungkot kapag ika’y kapiling
Sa sandaling nandyan ka na
Ay biglaan kung ako’y masiraan
Dahil ‘di rin maintindihan

Sana ang nadarama ko sa’yo’y wala na ngang hangganan
‘Di na papayagan pang ika’y mawala pa sa ‘kin ng lubusan
At pangakong ‘di mo na kailangan pang lumuha pa at masaktan
At ako’y nahihibang, na ikaw ang dahilan

Nahibang na sa iyo’t hapdi ay ‘di ko na pansin
Bawat pagmulat ko na lang sa larawan mo’y ibang lambing
Sa sandaling nandyan ka na
Ay biglaan kung ako’y masiraan
Dahil ‘di rin maintindihan

Sana ang nadarama ko sa’yo’y wala na ngang hangganan
‘Di na papayagan pang ika’y mawala pa sa ‘kin ng lubusan
At pangakong ‘di mo na kailangan pang lumuha pa at masaktan
At ako’y nahihibang, na ikaw ang dahilan


Tamang nagiiba na ang paligid ko
At hindi na maalis-alis ka sa isipan ko
Sana’y hindi na nga, sa ‘kin pa’y mawala
Sana’y hindi na nga, sa ‘kin pa’y mawala

Sana ang nadarama ko sa’yo’y wala na ngang hangganan
‘Di na papayagan pang ika’y mawala sa akin ng lubusan
At pangakong ‘di mo na kailangan pang lumuha pa at masaktan
At ako’y nahihibang, na ikaw ang dahilan
At ako’y nahihibang, na ikaw ang dahilan

Got Something to Add?
0 comments: Post a Comment

Older Post